Lumakad Ka

Lumakad Ka 歌词

专辑Kuh
年份1980
流派Pop
原文语言FIL
浏览量7
歌词坐标

原文歌词

FIL
暂时没有翻译,当前显示原文歌词。
18
'Di ba't ang tao nang isilang Siya'y walang bahid ng kasalanan? Wala ni saplot ang kanyang katawan Walang 'sing gandang pagmasdan At siya'y lumaki at nagbago Natutong kasalana'y maitago Naging 'di tapat maging sa kanyang puso Naging talusira sa pagsuyo Tao, lumakad ka Lumakad kang hubad sa mundong ibabaw Ang pagkakasala, bayaang mabilad sa init ng araw Ikaw ay humingi at 'di Siya hihindi Ika'y patatawarin Ika'y tao lamang din Mahina, matuksuhin Ako'y isang tao ring nagkasala Nalihis sa landas ng pag-asa Ipaubaya ninyo na lumakad din ako Na isang hubad sa mundo Tao, lumakad ka Lumakad kang hubad sa mundong ibabaw Ang pagkakasala, bayaang mabilad sa init ng araw Ikaw ay humingi at 'di Siya hihindi Ika'y patatawarin Ika'y tao lamang din Mahina, matuksuhin Ako'y isang tao ring nagkasala Nalihis sa landas ng pag-asa Ipaubaya ninyo na lumakad din ako Na isang hubad sa mundo Na isang hubad sa mundo