Katarungan

Katarungan 歌词

时长3:53
原文语言TL
浏览量475
歌词坐标

原文歌词

TL
暂时没有翻译,当前显示原文歌词。
18
Sa isang kulungang bakal ay may taong malungkot, umiiyak Ang tanong n'ya sa sarili ay kailan magigisnan ang liwanag Malayo ang iniisip at nakakuyom yaring mga palad Bakit daw s'ya nagdurusa sa kasalanang 'di n'ya ginawa Kahapon lamang ay kapiling n'ya kanyang asawa at anak Namumuhay nang tahimik sa isang munting tahanang may tuwa Ang kaligayahan ay pinutol ng isang paratang sa kanya S'ya daw ang may sala sa isang krimen na 'di naman n'ya ginawa Wala na bang katarungan ang isang nilalang na katulad n'ya Ilan pang tulad n'ya ang magdurusa nang walang kasalanan 'Di ba't ang batas natin pantay-pantay, walang mahirap, mayaman Bakit marami ang nagdurusang mga walang kasalanan