Bulag, Pipi At Bingi

Letra de Bulag, Pipi At Bingi

GêneroPop
Duração4:47
Idioma originalFIL
Visualizações273
Coordenadas da letra

Letra original

FIL
A tradução ainda não está disponível. Exibindo a letra original.
18
Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan Anyo at kulay ng mundo sa'yoy pinagkaitan Huwag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan Di nalalayo sa'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay mang tulad mo 'di makita, 'di marinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangan na buhay na banal Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin Sigaw ng puso't damdamin wala sa'yong pumapansin Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman Ano sa'yo ang musika, sa'yo ba'y mahalaga Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig Mapala ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo