Tindahan Ni Aling Nena

Tindahan Ni Aling Nena lyrics

GenreReggae
Duration3:07
Original languageFIL
Views550
Lyrics coordinates

Original lyrics

FIL
Translation not available yet. Showing the original lyrics.
18
Pumunta ako sa tindahan ni Aling Nena Para bumili ng suka Pagbayad ko aking nakita Isang dalagang nakadungaw sa bintana Natulala ako, laglag ang puso ko Nalaglag rin ang sukang hawak ko Napasigaw si Aling Nena Ako naman ay parang nakuryenteng pusa Ngunit natanggal ang hiya Nang nakita ko na nakatawa ang dalaga Panay ang sorry ko sa pagmamadali Nakalimutan pa ang sukli ko Pagdating sa bahay, nagalit si nanay Pero oks lang ako ay inlababo nang tunay Tindahan ni Aling Nena Parang isang kuwentong pampelikula Mura na at sarisari pa ang itinitinda Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera Pumunta ako sa tindahan, kinabukasan Para makipagkilala Ngunit sabi ni Aling Nena Habang maaga'y huwag na raw akong umasa Anak niya'y aalis na papuntang Canada Tatlong araw na lang ay ba-bye na Tindahan ni Aling Nena Parang isang kuwentong pampelikula Mura na at sarisari pa ang itinitinda Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera Hindi mapigil ang damdamin Ako'y nagmakaawang ipakilala Payag daw siya kung araw-araw Ay meron akong binibili sa tinda niya Ako'y pumayag at pinakilala niya Sa kanyang kaisa-isang dalaga Ngunit nang makilala, siya'y tumalikod na At iniwan akong nakatanga Tindahan ni Aling Nena Parang isang kuwentong pampelikula Mura na at sarisari pa ang itinitinda Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera Tindahan ni Aling Nena Dito nauubos ang aking pera Araw-araw ay naghihintay O Aling Nena, please naman maawa ka-ah Alam nyo'ng nangyari? Wala, ah, wala, ah Ah-ah-ah-ah (oh, diyos ko) Wala, ah, wala, ah Ah, ah, ah