Canseco Medley

Canseco Medley lyrics

GenrePop
Original languageFIL
Views9
Lyrics coordinates

Original lyrics

FIL
Translation not available yet. Showing the original lyrics.
18
[Part I - Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan] Hanggang sa dulo ng walang hanggan Hanggang matapos ang kailan pa man Ikaw ang siyang mamahalin at lagi nang sasambahin Manalig kang 'di ka na luluha, giliw At kung sadyang siya lang ang 'yong mahal Asahan mong ako'y 'di hahadlang Habang ikaw ay maligaya ako'y maghihintay Maging hanggang sa dulo ng walang hanggan [Part II - Kastilyong Buhangin] Kaya't bago natin bigkasin ang pagsintang sumpa Sa minumutya, sa diwa't gawa Pakaisipin natin kung pag-ibig ay wagas Kahit pa magsanga ng landas Minsan, dalawang puso'y nagsumpaan Pag-ibig na walang hanggan Sumpang kastilyong buhangin pala Pansamantala, luha ang dala 'Yan ang pag-ibig na nangyari sa atin Gumuhong kastilyong buhangin [Part III - Ngayon at Kailanman] Ngayon at kailanman Sumpa ko'y iibigin ka Ngayon at kailanman Hindi ka na mag-iisa Ngayon at kailanman Sa hirap o ginhawa pa Asahang may kasama ka, sinta Naroroon ako t'wina Maaasahan mo t'wina Ngayon at kailanman Dahil kaya sa 'yo Ng maitadhanang ako'y isilang sa mundo Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo Upang ngayon at kailanman Ikaw ay mapalingkuran, hirang Bakit labis kitang mahal? Pangalawa sa Maykapal Higit sa 'king buhay Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag Lalong tumatamis, tumitingkad Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon Na daig ng bawat bukas Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag Lalong tumatamis, tumitingkad (oh, tumitingkad) Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon Na daig ng bawat bukas Labis kitang mahal (ngayon at kailanman) Tangi sa Maykapal (ngayon at kailanman) Labis kitang mahal (ngayon at kailanman) Ngayon (ngayon at kailanman) At kailanman (ngayon at kailanman) Ngayon at kailanman