Sabihin Mo Sa Akin

Sabihin Mo Sa Akin 가사

연도2005
장르Pop
원문 언어FIL
조회수3
가사 좌표

원문 가사

FIL
번역이 아직 없습니다. 원문 가사를 표시합니다.
18
Ang tunay bang pag-ibig ay mayroong mukha? Ang puso ba'y saan tumitingin? Ang mga ulap ba ay dapat kong hawiin Upang maglaho ang dilim na bumabalot sa akin? Pag-ibig ba ay may kinikilingan? Namimili ba ng dapat mahalin? Anong kailangan kong gawin upang Pag-ibig ay maramdaman kahit lang saglit? Ano ba ang mayroon sila Na hindi matatagpuan sa akin? Ako nga ba ay kakaiba Sa kanilang paningin? Ako ba ay may pagkukulang Na dapat mapunan? Ano ba ang mayroon sila Na wala sa akin? Ba't parang kay bilis nilang nakita Pag-ibig na inaasam nila? Ba't kay tagal ko nang naghihintay ngunit Tila walang dumarating kundi malamig na hangin? Ano ba ang mayroon sila Na hindi matatagpuan sa akin? Ako nga ba ay kakaiba Sa kanilang paningin? Ako ba ay may pagkukulang Na dapat mapunan? Ano ba ang mayroon sila? Sabihin mo sa akin Ano ba ang mayroon sila Na hindi matatagpuan sa akin? Ako nga ba ay kakaiba Sa kanilang paningin? Ako ba ay may pagkukulang Na dapat mapunan? Ano ba ang mayroon sila? Sabihin mo sa akin