Handog

Handog 가사

연도1983
장르Pop
길이3:52
원문 언어FIL
조회수317
가사 좌표

원문 가사

FIL
번역이 아직 없습니다. 원문 가사를 표시합니다.
18
Parang kailan lang ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin. Dahil sa inyo napunta ako sa aking nais marating. Nais ko kayong pasalamatan kahit man lamang isang awitin. Parang kailan lang halos ako ay magpalimos sa lansangan. Dahil sa inyo ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman. Kaya't itong awiting aking inaawit nais ko'y kayo ang handugan. Tatanda at lilipas din ako, Ngunit mayroong awiting iiwanan sa inyong alaala Dahil minsan tayo'y nagkasama. Parang kailan lang ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan. Dahil sa inyo narinig ang isip ko at naintidihan. Dahil dito'y ibig ko kayong ituring na matalik kong kaibigan. Tatanda at lilipas din ako Ngunit mayroong awiting iiwanan sa inyong alaala Dahil minsan tayo'y nagkasama Kahit minsan may naialay sa inyo