가사 좌표
TL원문 가사
번역이 아직 없습니다. 원문 가사를 표시합니다.
Akin pang naaalala
Noong si Ama'y nabubuhay pa
Ang sabi niya'y, "Freddie
Mag-aral kang mabuti
Tulungan mo ang 'yong sarli"
Ang nais niya'y hindi nasunod
'Pagkat ako'y may dahilan
Ang nais ko'y umawit
Tumugtog ng gitara
At ako'y kanyang pinagbigyan
At kami'y nagkahiwalay
'Pagkat ako'y nangibang-bayan
At nang kami'y magkita
Siya ay bangkay na
Pumanaw na ang aking ama
Saan man siya naroroon
Mga payo niya'y tataglayin ko
Ang kanyang alaala
Ay lalagi sa isip ko
Kahit siya'y wala na







