Tuwing Umuulan At Kapiling Ka

Tuwing Umuulan At Kapiling Ka 가사

장르Reggae
길이4:42
원문 언어FIL
조회수720
가사 좌표

원문 가사

FIL
번역이 아직 없습니다. 원문 가사를 표시합니다.
18
Pagmasdan ang ulan, Unti-unting pumapatak sa mga halama't mga bulaklak Pagmasdan ang dilim, Unti-unting bumabalot sa buong paligid t'wing umuulan Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda, Kasabay rin ng hanging kumakanta Maari bang huwag ka na Sa piling ko'y lumisan pa hanggang ang hangi't ula'y tumila na Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan Tulad ng pag-agos mo, 'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab Pag-ibig ko'y umaapaw, Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka Pagmasdan ang ulan, Unti-unting tumitila Ikaw ri'y magpapaalam na Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo Pag-ibig ko'y umaapaw, Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka (Oooohhh) Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan Tulad ng pag-agos mo, 'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab Pag-ibig ko'y umaapaw, Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo Pag-ibig ko'y umaapaw, Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka