Bagyo

Bagyo 가사

앨범Silakbo
연도2025
장르Poprock
원문 언어FIL
조회수154
가사 좌표

원문 가사

FIL
번역이 아직 없습니다. 원문 가사를 표시합니다.
18
Nakakalimutang pati bahay gumuguho Inaalalayan mga kaputol na nahuhulog Lahat sila'y nagpapatuloy, ako'y 'di makaalis Kinabukasang walang katuloy kung wala ka (kung wala ka) Kapit kahit 'di na matamo (mga matang manlilikha) Ninakaw mo ang kulay ng mundo (iyong dala hinahangad) Mahirap pigilan ang pusong ikaw bumuo Kaya hayaang bumagyo (oh) 'Di man maibalik Babalik pa rin sa 'yo Mapait na nakaraan, puso ang nagbura Ika'y nilarawan oh, isang anghel nakabakas Tuluyan na 'kong lumulubog sa lupang kinatatayuan Luha mo sa labi ko ang tanging inaasam Kapit kahit 'di na matamo (mga matang manlilikha) Ninakaw mo ang kulay ng mundo (iyong dala hinahangad) Mahirap pigilan ang pusong ikaw bumuo Kaya hayaang bumagyo (oh) 'Di man maibalik Babalik pa rin sa 'yo Kalangitan, araw at buwan Lahat isinumpa Dugo't pawis 'di na maalis Ito ba'y nakatakda? Kahit na sandali, isang saglit Mayakap ka muli, 'to ba'y mali? Kahit na sandali, isang saglit Mayakap ka muli, 'to ba'y mali? Kapit kahit 'di na matamo Ninakaw mo ang kulay ng mundo (iyong dala hinahangad) Mahirap pigilan ang pusong ikaw bumuo Kaya hayaang bumagyo (oh) 'Di man maibalik Babalik pa rin sa 'yo