가사 좌표
FIL원문 가사
번역이 아직 없습니다. 원문 가사를 표시합니다.
kung ayaw mong balikan
ang iyong mga nakaraan
paano ka lalayo?
paano ka tutungo
sa paglaya ng ‘yong puso
kung ayaw mong pakawalan
ang galit na nasimulan
paano ka tatayo?
pa’nong ang bigat maglalaho
may paglaya sa pagsuko
pahilumin, mga sugat
'di ikaw ang iyong nakaraan
pahilumin, mga sugat
malayo pa ang iyong patutunguhan
kung ayaw mong simulang
patawarin ang nakaraan
paano ka lalayo? paano ka tatayo?
ang paglaya’y naghihintay sa’yo
pahilumin, mga sugat
'di ikaw ang iyong nakaraan
pahilumin, mga sugat
malayo pa ang iyong patutunguhan






