가사 좌표
TL원문 가사
번역이 아직 없습니다. 원문 가사를 표시합니다.
Tulad ng isang ibon
Tao ay lumilipad
Pangarap ang tanging nais
Na marating at matupad
Isip ay nalilito
Pag nakakita ng bago
Lahat ng bagay sa mundo
Ay isang malaking tukso
Bakit pa luluha
Bakit maghihirap
Itoy laro lamang
Sa mundong makasalanan
Tubig ay natutuyo
Bulaklak ay nalalanta
Araw ay lumilipas
Sa gabi rin ang punta
Bakit pa luluha
Bakit maghihirap
Ayaw mang mangyari
Ay di masasabi
Sasaktan mo lamang
Puso ay huwag sugatan
Itoy laro lamang
Sa mundong makasalanan
Tulad ng isang ibon
Tao rin ay namamatay
Pangarap nyang tanging nais
Makarating sa kabilang buhay





