Kabiyak

Kabiyak 歌詞

アルバム'Pag Tinadhana
年2025
ジャンルPop
原文言語FIL
閲覧数13
歌詞座標

原文歌詞

FIL
翻訳はまだありません。原文を表示しています。
18
Nandiyan ka at nandito ako Pinag-isa ngunit pinaglayo Ng di tamang panahon at pagkakataon Nangungulila, nakatingala sa isang kalawakan Ako'y humihiling di sana maglaho ating pag-ibig Naaalala mo kaya ako sa takipsilim Laman ng isip sa pagtulog at pag-gising Ikaw lamang panghabang buhay Sa iyo lamang sa habang buhay Tanggapin mo ang pagmamahal ko Ikaw ang sinisigaw ng puso ko Lahat ay gagawin makabalik lang sa'yo Tatawirin ang hangganan ng langit at mundo Ikaw lamang magpakailanman Sa iyo lamang magpakailanman Sa panahon na magkita tayo Di na magtatago at matatakot Sa bawat segundo, ipaaalala kong ikaw ay mahalaga At mahal na mahal kita Walang papantay at wala ng iba Saksi ating Diyos at ang alapaap Na nahanap ko sa'yo ang aking kabiyak Ang tanging hiling ika'y muling mayakap Ikaw lamang sa habang buhay Ikaw lamang sa habang buhay Nandiyan ka at nandito ako Pinag-isa ngunit pinaglayo Ng di tamang panahon at pagkakataon Ngunit maghihintay ako Maghihintay sa'yo