Tinikling

Tinikling 歌詞

ジャンルPop
原文言語FIL
閲覧数4
歌詞座標

原文歌詞

FIL
翻訳はまだありません。原文を表示しています。
18
Tayo'y magsayaw irog ko ng tinikling Tulad ng sayaw ng lolo't lola natin Ang mga hakbang kung 'di pa kabutihin Dalawang kawayan, tayo'y iipitin Kung nagsasayaw ka giliw ng tinikling Kupas ng kawayan kahit mapatulin Ang mga binti mo'y kay hirap hulihin 'Sing ilap din ng puso mo sa paggiliw At sa tinikling na tigib ng panganib Ang hindi maingat iya'y maiipit Pusong maharot, ganyan din sa pag-ibig Ang nakakamit paghakbang ay ligalig Ang nagsasayaw ay napapahalakhak Sa mga kawayang kay ingay ng lagpak Habang kasabay ang tugtog at palakpak Ang nanonod man ay mapapaindak Tayo'y magsayaw irog ko ng tinikling Tulad ng sayaw ng lolo't lola natin Ang mga hakbang kung 'di pa kabutihin Dalawang kawayan, tayo'y iipitin At sa tinikling na tigib ng panganib Ang hindi maingat iya'y maiipit Pusong maharot, ganyan din sa pag-ibig Ang nakakamit paghakbang ay ligalig Kung nagsasayaw ka giliw ng tinikling Kupas ng kawayan kahit mapatulin Ang mga binti mo'y kay hirap hulihin 'Sing ilap din ng puso mo sa paggiliw