Monumento

Monumento 歌詞

ジャンルPop
時間4:02
原文言語TL
閲覧数294
歌詞座標

原文歌詞

TL
翻訳はまだありません。原文を表示しています。
18
Ang bundok namin ay walang kapunu-puno Milyun-milyon ang taong nagtayo nito Bawat dekada, pataas nang pataas Monumento ng mga dumi at kalat Woh hoh Akyat-panaog mga tuta't mga tao Araw-gabi ang hanapbuhay dito Sinusuyod, hinukukay ang pwedeng makuha Ibebenta o pagkain sa umaga Woh hoh CHORUS 1 May bote, may bakal May plastik, may adik Sa bundok namin May pagpag, may laglag May baliktad, may bayad Ang bundok namin Woh hoh wowoh Woh hoh wowoh Madalas masunog ang aming bundok Magdamag na kumot, makapal na usok Panganib ang tuluy-tuloy na pag-ulan May nababaon, may nadadaganan CHORUS 2 May langit itong gusto Kung mayro'n lang ibang tao May alam ba kayo Bumabalik, bumubuhay Ikaw naman ang naghukay Sa bundok namin [Repeat CHORUS 1] Woh hoh wowoh Woh hoh wowoh