Babae Ako

Testo di Babae Ako

GenerePop
Durata3:46
Lingua originaleFIL
Visualizzazioni1.7K
Coordinate del testo

Testo originale

FIL
Traduzione non ancora disponibile. Mostriamo il testo originale.
18
Babae ako Ano bang dapat kong gampanan Sa daigdig na ating ginagalawan Ang hangganan ko ba'y hanggang saan Babae ako Ako ba'y mayro'ng kapangyarihan O ako'y isa lamang na bukal Na pagkukunan ng pagmamahal Nais kong lumipad na may sariling bagwis Nais kong marating pangarap nang mabilis Nais kong manguna sa mga maya Para makita ang bagong umaga Ngunit kailan pa Gusto ko na Ngayon na May galit ako Ngunit pag-asa'y nasa puso ko Bukas ang hamog makikita mo Hihigupin niya ang paru-paro... Ang paru-paro Nais kong lumipad na may sariling bagwis Nais kong marating pangarap nang mabilis Nais kong manguna sa mga maya Para makita ang bagong umaga Ngunit kailan pa Gusto ko na Ngayon na