Pagtawid

Testo di Pagtawid

Durata3:23
Lingua originaleFIL
Visualizzazioni436
Coordinate del testo

Testo originale

FIL
Traduzione non ancora disponibile. Mostriamo il testo originale.
18
May isang araw na bago tayo pumanaw Lahat ng ating pinangarap, atin nang matatanaw Hintay-hintayin, ito'y maaabot na rin Sa pagbubuhos ng lakas at paggugugol ng galing Isulong ang mga likha Ipunin ang mga salita Sa pagsasakop ng dilim Ito'y maririnig pa rin Isang araw, isang kulay Isang hangarin na tunay Ipagbigkis mga kamay Sa pagtawid nitong tulay 'Di magtatagal at mumutawi ring lahat Sa mga labi ang likas at katutubong salita Tuunan ng pansin at liliwanag ang paningin Sa mga kulay na ngayon ay bumabalot sa atin Ibaling ang mga mata Sa ulap at mga tala Sa pagsasabog ng ningning Ito'y maaabot na rin