Kumusta Ka

Paroles de Kumusta Ka

Année1991
GenrePop
Langue originaleFIL
Vues10
Coordonnées des paroles

Paroles originales

FIL
Traduction indisponible. Les paroles originales sont affichées.
18
Kumusta ka? Ikaw ay walang pinag-iba Ganyan ka rin nang tayo ay huling magkita Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayo Tinitingnan kita hanggang wala ka na Kumusta ka? May ibang kislap ang 'yong mata Halata na ang daigdig mo ngayon ay kay saya Siguro ay nagmamahal ka na ng totoo Siya ba'y katulad ko no'ng tayong dalawa? O, kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay Makita ka, mayakap, at muli pang mahagkan Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal Walang masabi kundi Kumusta ka? Kumusta ka? Ano ba'ng dapat sabihin pa? Dibdib ko'y malakas na namang kumakaba Dapat kayang malaman mong hindi nagbabago Hanggang ngayon sinta, mahal pa rin kita O, kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay Makita ka, mayakap, at muli pang mahagkan Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal Walang masabi kundi "Kumusta ka?" O, kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay Makita ka, mayakap, at muli pang mahagkan Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal Walang masabi kundi Kumusta ka? Kumusta ka? 'Di ka ba sa 'kin natatawa? Walang masabi kundi Kumusta ka?